^

Probinsiya

2 utas sa buhawi, 1 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang katao kabilang ang isang 1-anyos na sanggol na lalaki ang nasawi habang isa pa ang nasugatan matapos manalasa ang malakas na buhawi na ikinabuwal rin ng mga punong kahoy sa Pikit, North Cotabato kamakalawa.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),kinilala ang mga nasawing biktima na sina Bing Guiame­lon Ukoman at Datu Puti Ukoman, magi-isang taon ng sanggol.

Isinugod naman sa pagamutan ang nasugatang batang babae na tinukoy lamang sa pangalang Doren, 8.

Batay sa ulat, bandang alas- 5:00 ng umaga nang manalasa ang buhawi sa Sitio Tapunin, Brgy. Pamalilan, Pikit ng nasa­bing lalawigan.

Dito ay nabuwal ang mga puno na bumagsak sa isang mosque at limang kabahayan sa lugar na ikinasawi ng dalawang katao.

Nabatid na karamihan sa mga residente ay kagigising pa lamang at naghahanda na ng almusal ng mangyari ang insidente.

BATAY

BING GUIAME

BRGY

DALAWANG

DATU PUTI UKOMAN

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NORTH COTABATO

PIKIT

SITIO TAPUNIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with