^

Probinsiya

Duelo sa lamay: Ex-vice mayor, 2 pa utas!

Joy Cantos at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang patay kabilang ang isang dating bise alkalde at isang pulis habang dalawa pa ang sugatan matapos na mauwi sa barilan  ang bangayan sa pasugal sa isang lamayan ng patay sa bayan ng Dolores, Abra kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Cordillera Police, ang mga nasawi ay sina dating Abra Vice Mayor Dante Guzman, 53-anyos, kapatid nitong si Police Officer 3 Dindo Guzman, 45, at kalaban ng mga itong si Jun Cabanawan, umano’y bodyguard ni Dolores Mayor Robert Victor ‘Jay-R’ Seares.

Ang magkapatid na Guzman at si Cabanawan ay pawang idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang dalawang sugatan na sina Christopher Tordil, 40, at Cesar Zapat, 34.

Matapos ang madugong engkuwentro, sumuko sa pulisya ang itinuturong nagsimula ng kaguluhan na si Christian Cortez.

Sa imbestigasyon, dakong alas-11:20 ng gabi habang ang mga biktima ay nagsusugal sa lamay ng patay nang magkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan na humantong sa ba­ngayan nina PO3 Guzman at Cortez.

Tinangka umanong kap­kapan ni PO3 Guzman ng baril si Cortez pero umiwas ito at lumabas sa lamayan subalit sinundan ng una at dito na nagkabarilan. Narinig ng dating bise alkalde ang putok ng baril kaya agad na sumunod sa labas at muling umalingawngaw an sunud-sunod na putok ng baril.

Hinihinala na may bahid pulitika ang insidente dahil magkalaban ang pamilya Guzman at ang kasalukuyang alkalde dito na si Mayor  Seares.  Sina Cortez, Cabanawan, civilian escort ni Seares at ang dalawang nasugatan ay mga tauhan ng naturang incumbent mayor.

Samantalang ang mga Guzman ay kapatid ni ABRECO Chairman of the Board David Guzman na natalo sa eleksyon noong Mayo 2013 kay Mayor Seares.  

 

vuukle comment

ABRA VICE MAYOR DANTE GUZMAN

CABANAWAN

CESAR ZAPAT

CHAIRMAN OF THE BOARD DAVID GUZMAN

CHRISTIAN CORTEZ

CHRISTOPHER TORDIL

CORDILLERA POLICE

DINDO GUZMAN

GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with