^

Probinsiya

Hukuman grinanada

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KABACAN, North Cotabato , Philippines   â€“ Niyanig ng malakas na pagsabog ang  harapan ng mababang hukuman makaraang hagisan ng granada ng mga di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa bayan ng Kabacan, North Cotabato. Ayon kay P/Insp. Tirso Pascual, inihagis ang granada sa harap ng opisina ni Judge Laureano Alzate ng Regional Trial Court RTC Branch 22 bago mag-alas-8 ng gabi. Bagama’t walang nasaktan o kaya namatay ay nag-iwan naman ito ng pinsala sa nasabing tanggapan kung saan nawasak ang mga bintana ng nasabing gusali na may ilang metro lamang ang layo sa istasyon ng Kabacan PNP na nasa loob ng municipal compound.    Sinusuri na ng pulisya sa kanilang CCTV camera kung makikilala ang mga taong nasa likod ng pagpapasabog. Naganap ang pagpapasabog, anim na araw matapos na pormal na umupo ang bagong alkalde ng bayan na si Mayor Herlo “Jojo” Guzman, Jr.

 

vuukle comment

AYON

BAGAMA

GUZMAN

JUDGE LAUREANO ALZATE

KABACAN

MAYOR HERLO

NORTH COTABATO

REGIONAL TRIAL COURT

TIRSO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with