^

Probinsiya

Misis tinodas ng mister

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal na kamata­yan ang sinapit ng 25-anyos na  misis makaraang gulpihin ay binaril pa ng kanyang mister dahil sa matinding selos kamakalawa ng gabi sa Barangay M.R. Espinosa, bayan ng Milagros, Masbate. Hindi  na umabot pa ng buhay sa Masbate Provincial Hospital ang biktimang si Annabel Habahab habang nasakote naman ang suspek na si Domingo Habahab, 43, barangay tanod at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Nabatid na nakarating ang balita sa suspek na may nanliligaw sa kanyang misis kaya nagtalo ang mag-asawa kung saan pinabulaanan naman ng babae ang akusasyon. Dito na ginulpi ng suspek ang kanyang misis bago binaril. Narinig naman ng ilang kapitbahay ang kaguluhan ng mag-asawa kaya naipaabot kaagad sa pulisya.

vuukle comment

ANNABEL HABAHAB

BARANGAY M

DITO

DOMINGO HABAHAB

ESPINOSA

MASBATE

MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL

MILAGROS

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with