^

Probinsiya

P.5-M cash tinangay… Kawani ng pawnshop inutas ng tandem

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  â€“ Napaslang ang 36-anyos na kawani ng pawnshop na may bitbit na P.5 milyong cash na winidraw sa banko makaraang holdapin ay niratrat ng riding-in-tandem gunmen sa panulukan ng Don Placido Campos Avenue sa Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Alexander Calo, binata kawani ng  MLhuiller Pawnshop, at nakatira sa Mabuhay Homes 2000  Subd. sa Barangay Salawag sa nasabing lungsod.

Base sa police report, bandang alas-10:55 ng umaga nang nagtungo sa banko ang biktima kasama ang teller ng pawnshop na si Bonifacio Loar para mag-withdraw ng P.5 mil­yon.

Pabalik na  naglakad sa nasabing pawnshop ang dalawa na may 50-metro ang layo sa banko nang harangin at holdapin ng armadong tandem.

Tumanggi ang biktima na ibigay sa mga holdaper ang bitbit na bag na naglalaman ng malaking halaga  kaya binaril ito sa balikat.

Kahit sugatan ay nagmatigas na hindi bitawan ng biktima ang bag kaya muling pinutukan ng gunman bago tinangay ang bag na may malaking halaga.

Sinasabing hindi naman idinamay ang kasamang teller ng biktima na naisugod pa sa osapital subalit idineklarang patay.

Pinaniniwalaang isinailalim sa masusing surveillance ang biktima bago isagawa ng tandem ang panghoholdap.

 

vuukle comment

ALEXANDER CALO

BARANGAY SALAWAG

BONIFACIO LOAR

CAVITE

DASMARI

DON PLACIDO CAMPOS AVENUE

KAHIT

MABUHAY HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with