^

Probinsiya

Bading kinatay ng 3 ka-chat sa fb

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang bading matapos itong tadtarin ng saksak at pagnakawan ng tatlong lala­king naka-chat nito sa social networking site na facebook na inimbitahan nito sa  kaniyang tahanan sa Dagupan City, Pangasinan kahapon ng madaling-araw.

Sa phone interview, kinilala ni PO3 Michael de Vera, desk officer ng Dagupan City PNP ang biktima na si Joey “Star Ganda” Villanueva, beautician sa David Salon sa Nepo Mall at tubong Maynila.

Sa inisyal na imbestigas­yon, lumilitaw na naganap ang krimen bandang alas-4 ng madaling-araw sa bahay ng biktima sa Paras Street, Bunuan District.

Nabatid na nakarinig ng kalabugan ang mga kapitbahay ng biktima pero hindi nila ito pinansin dahil madalas namang makipag-inuman at karaniwan na lamang sa kanila.

Gayon pa man, noong Lunes ng gabi ay tatlong lalaki na nasa edad 18 hanggang 20 ang nakitang kainuman ng biktima kung saan inabot ng madaling araw ng Martes.

Sinasabing ang mga suspek ay guwapo umanong ka-chat ng biktima sa facebook at bukod dito’y ka-text mate rin na ipinakikilala pa nitong kaniyang mga nobyo.

Nadiskubre na nagkalat ang mga gamit ng biktima, nawawala ang mga personal nitong kagamitan, at  hindi pa madeterminang halaga habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

vuukle comment

BIKTIMA

BUNUAN DISTRICT

DAGUPAN CITY

DAVID SALON

GAYON

MAYNILA

NEPO MALL

PARAS STREET

STAR GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with