^

Probinsiya

Dalaga hinalay ng albularyo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines  - Dahil sa kandilang itim na sinasabing gamot para sa inang may sakit, napariwara ang kinabukasan ng 20-anyos na dalaga matapos na ito ay gahasain ng matandang albularyo sa Barangay Pansol, Lopez, Quezon kamakalawa ng umaga. Pansamantalang sumasailim sa counselling ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development ang biktimang itinago sa pangalang Judy. Habang tinutugis na ng pulisya ang suspek na si Anthony Jimenez ng Barangay Gomez. Ayon kay PO1 Lovely Gamogamo ng Women’s Desk Section, dakong alas-10 ng umaga ay nag-text ang suspek sa biktima at ipinapakuha ang  itim na kandila na sinasabing gamot sa karamdaman ng kanyang ina. Nagkita ang dalawa sa compound ng St. Vincent Church kung saan inutusan ng suspek ang biktima na pumikit at kasunod niyon ay umusal ito ng panalanging Latin. Dito na nakaramdam ng pagkaantok ang biktima at naging sunud-sunuran sa suspek hanggang sa dalhin siya sa loob ng Jerrviin Hotel saka isinagawa ang maitim na balak.

vuukle comment

ANTHONY JIMENEZ

AYON

BARANGAY GOMEZ

BARANGAY PANSOL

DAHIL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DESK SECTION

JERRVIIN HOTEL

LOVELY GAMOGAMO

ST. VINCENT CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with