^

Probinsiya

Bodyguard ng bise alkalde tiklo sa droga

- Christian Ryan Sta Ana - The Philippine Star

 CABANATUAN CITY, Philippines  – Bumagsak sa batas ang isang pulis na bodyguard ng bise alkalde ng lungsod na ito na itinurong  supplier ng shabu sa nadakip na tulak ng ipinagbabawal na gamot habang naghihintay sa harap ng isang mall sa lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang naarestong supplier na si SPO1 Felix Payumo, VIP bodyguard ni Cabanatuan City Vice Mayor Marius ‘Jolly’ Garcia; habang nakilala naman ang naaresto ring tulak na si Anthony Arenas 29, may-asawa ng Brgy. Dicarma ng lungsod na ito.

Bandang alas-10:30 ng gabi, nadakip sa isang drug buy-bust operation ang suspek na si Arenas at nakuha sa kanyang pag-iingat ang apat (4) na sachet ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.

Ikinanta naman ng suspek na si Payumo ang kaniyang supplier kaya inaresto ng mga  kapwa nito pulis sa isinagawang follow-up operations.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang dalawang suspek. 

vuukle comment

ANTHONY ARENAS

BANDANG

BRGY

BUMAGSAK

CABANATUAN CITY VICE MAYOR MARIUS

DICARMA

FELIX PAYUMO

GARCIA

IKINANTA

KINILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with