^

2 NPA utas sa encounter

- Ed Casulla at Francis Elevado (The Philippine Star) - September 7, 2012 - 12:00am

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  - Napaslang ang dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang sugatang nasagip ang kanilang lider matapos makasagupa ang tropa ng military kamakalawa sa Barangay San Vicente Norte, Iriga City sa Camarines Sur. Tinukoy naman ang mga napatay na alyas Ka Tony at Ka Jeff habang nasakote naman ang lider na si Edgardo “Ka Palong” Sevilla. Si Sevilla na nahaharap sa mga kasong kriminal ay dinala sa Bicol Medical Center kung saan bantay-sarado ito ng mga sundalo ng Army’s 42nd Infantry Battalion. Tumagal ng limang minutong palitan ng putok ang bakbakan bago nagsiatras ang iba pang rebelde kung saan narekober sa encounter site ang isang cal. 45 pistol, cal. 9mm pistol at granada. 

BARANGAY SAN VICENTE NORTE BICOL MEDICAL CENTER CAMARINES SUR INFANTRY BATTALION IRIGA CITY KA JEFF KA PALONG KA TONY LEGAZPI CITY NEW PEOPLE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with