^

Probinsiya

3 pulis, 2 pa sugatan sa road mishap

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Lima katao ang nasugatan kabilang ang tatlong pulis makaraang aksidenteng magbanggaan ang dalawang behikulo sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Boyongan, Placer, Surigao del Norte kamakalawa.

 Kinilala ang mga na­sugatan na sina PO3’s Allen Chua, Ariel Buyan at Nehemiah Doloritos; pawang nakatalaga sa Bayugan City Police Office habang ang mga sibilyan  ay sina Marciano Bacolod , 46-anyos at Jobelle Losquita. Ang mga ito ay mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas. Ang tatlong pulis ay kasalukuyang sumasailalim sa Public Safety Junior Leadership Course sa Regional Training School 13 sa Lipata, Surigao City. 

Sinabi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, naganap ang sakuna sa kahabaan ng pakurbadang bahagi ng nasabing highway sa Brgy. Boyongan, Placer bandang alas-4:30 ng madaling-araw.

 Kasalukuyang bumabagtas ang KIA Sportage (KFD 189) na minamaneho ni PO3 Chua sakay ang dalawa nitong kasamahang pulis ng makabanggaan ang Suzuki multicab (LFA-984) na minamaneho naman ni Bacolod lulan si Lasquita sa nasabing lugar.

Isinailalim naman sa kustodya ng Placer Municipal Police Station ang dalawang nagbanggaang behikulo habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

vuukle comment

ALLEN CHUA

ARIEL BUYAN

BAYUGAN CITY POLICE OFFICE

BOYONGAN

BRGY

JOBELLE LOSQUITA

MARCIANO BACOLOD

MARTIN GAMBA

NEHEMIAH DOLORITOS

PLACER MUNICIPAL POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with