^

Probinsiya

Trike vs trak: binatilyo patay, 1 grabe

- Tony Sandoval - The Philippine Star

QUEZON, Philippines  – Masyadong napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa 13-anyos na lalaki habang limang iba pa ang malubhang na­sugatan matapos salpukin ng trak ang kanilang traysikel sa Maharlika Highway sa Barangay Sto. Cristo sa bayan ng Sariaya, Quezon, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Cris Baset, habang ginagamot naman sa Greg Hospital sina Cristian Silva, 15; Eloisa Castillo, 18; Joshua Castillo, 13; Elson Fegalquin, 14; at si Glenda Pahilan, 14, na pawang nakatira ng Barangay San Andres sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Ayon kay SPO1 Noriel Banaag, lulan ng traysikel ang mga biktima patungo sa bayan ng Candelaria nang salpukin ng trak ang hulihang bahagi ng trike.

Dito nahulog sa trike si Baset.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng trak (WDZ699) na si Rodante Isabedra, 36, ng Parañaque City.

vuukle comment

BARANGAY SAN ANDRES

BARANGAY STO

CANDELARIA

CRIS BASET

CRISTIAN SILVA

ELOISA CASTILLO

ELSON FEGALQUIN

GLENDA PAHILAN

GREG HOSPITAL

JOSHUA CASTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with