^

Probinsiya

Sanggol nilamon ng apoy

- The Philippine Star

ZAMBOANGA CITY, Philippines – Sapilitang kinuha ni kamatayan ang 8-buwang gulang na sanggol na babae matapos itong makulong sa nasusunog na bahay sa Sunrise Village, Barangay Guiwan sa nabanggit na lungsod noong Miyerkules ng hapon.

Animo’y uling ang katawan ng biktimang si Bianca Paragoso matapos itong matagpuan ng mga residente.

Lumilitaw sa imbestigas­yon ng pulisya na nagsaing sa kalang-de-uling ang ina ng bata na si Rosalyn Paragoso kung saan pansamantalang iniwan ang kanyang anak na si Bianca para hanapin ang dalawa pang anak.

Gayon pa man, nang bumalik ang ina ay nagimbal ito dahil nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay.

Sinasabing kumalat sa buong kabahayan ang apoy mula sa nasusunog na sinaing sa kalan kung saan nadamay ang sanggol na natutulog sa duyan. The Phil. Star News Service

vuukle comment

BARANGAY GUIWAN

BIANCA

BIANCA PARAGOSO

GAYON

LUMILITAW

MIYERKULES

ROSALYN PARAGOSO

SAPILITANG

STAR NEWS SERVICE

SUNRISE VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with