^

Probinsiya

Nursing grad inutas sa sakal sa motel

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa utang na P300, pinatay sa sakal ang 24-anyos na nursing graduate ng sarili nitong tiyuhin sa loob ng motel sa Iloilo City noong Lunes, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ni Iloilo City PNP director P/Senior Supt. Marieto Valerio ang biktima na si Leny Grace Ariola y Ditchon ng Jaro District sa Iloilo City, Iloilo.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Reynaldo Bolinas, 34, ng Dingle, Iloilo.

Bandang alas-11:32 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Ditchon na itinago pa sa ilalim ng kama matapos mag-isang lumabas ang suspek mula sa Room 26 ng Katrina Lodge sa Barangay Nabitasan, La Paz District, Iloilo City.

Base sa police report, noong Linggo ng gabi (Mayo 13) ay nag-check-in sa nasabing motel ang magtiyuhin pero nagtaka ang mga staff dahil mag-isang lumabas ng silid kinabukasan ang suspek bago magtanghali.

Agad namang inins­peksyon ng roomboy na si Jade Jardenila ang kuwartong inupahan ng magti­yuhin kung saan nakita ang bangkay ng biktima sa ilalim ng kama.

Sa himpilan ng pulisya, inamin naman ng suspek na nagtalo sila ng biktima sa utang nitong P300 kaya hindi sinasadyang napatay niya ito sa sakal.

Lumilitaw sa inisyal na pagsusuri ng mga forensic expert na pinatay sa sakal ang biktima at isinasantabi ang pakikipagtalik dito.

vuukle comment

BARANGAY NABITASAN

CAMP CRAME

DITCHON

ILOILO

ILOILO CITY

JADE JARDENILA

JARO DISTRICT

KATRINA LODGE

LA PAZ DISTRICT

LENY GRACE ARIOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with