^

Probinsiya

9 miyembro ng notoryus na gang, arestado

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
9 miyembro ng notoryus na gang, arestado
Pinadapa ng mga pulis ang naarestong siyam na miyembro ng notoryos na gang nang magsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation sa Barangay Zapote 3, Bacoor City, Cavite, nitong Sabado.
Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang siyam na indibidwal na umano ay miyembro ng grupong sangkot sa iba’t ibang modus operandi, ilegal na droga, pagnanakaw at ilegal na pagbebenta ng baril sa isang anti-illegal drug buy-bust operation sa Barangay Zapote 3,Bacoor City,Cavite, nitong Sabado ng madaling-araw.

Ayon kay P/Lt Col Alexi Desamito,hepe ng pulisya ng Bacoor PNP, ang mga naarestong suspek ay nambibiktima ng mga pasahero ng mga pampublikong sasak­yan, partikular sa mga rutang bumabagtas sa Las Piñas, Parañaque, Alabang, Baclaran at Cavite.

Sa ulat, ala-1:00 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba ng Bacoor Component City Police Station ang operasyon sa Kanluran, Barangay Zapote 3, kasunod nang impormasyong natanggap mula sa isang confidential informant hinggil sa umano’y nagaganap na pagpupulong ng grupo na sangkot sa Dura-Dura,  Laglag-Barya, Ipit at Salisi modus, gayundin sa robbery, snatching, bentahan ng ilegal na droga at baril.

Nasamsam mula sa mga suspek ang sampung sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 33.27 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P226,236.

Narekober din ang apat na improvised firearms o sumpak, walong bala ng 12-gauge ammunition, isang libong pisong buy-bust money, limang cellphone, apat na mini SIM card at iba pang personal na gamit.

Kabilang din sa mga nakumpiska ang dalawang bote ng alak na may lamang Mang Tomas sauce na hinihinalang ginagamit sa pagsasagawa ng “Dura-Dura” modus.

Sa isinagawang inventory, tumunog umano ang isa sa mga nakumpiskang cellphone ng suspek at nang sagutin ay napag-alamang may kaugnayan umano ang naturang telepono sa isang insidente ng “Dura-Dura” sa Pasay City.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng kasama ng grupo at ang lawak ng kanilang operasyon sa CALABARZON at National Capital Region (NCR).

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with