2 nagbanta ng pamamaril sa 2 katao, arestado

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad ang dalawang suspect dahil sa pagbabanta ng pamamaril sa dalawang katao nitong Biyernes sa Angeles City, Pampanga.
Sa ulat ni Col. Robert Domingo, acting police chief ng lunsod, kinilala ang dalawang suspek na sina alias “Jonel” at “Kevin” na umano ay nagbanta ng pamamaril sa mga biktimang sina alyas “Linda” at “Reggie”, Sitio Mali, Barangay Cutcut, Angeles City, alas-8:00 ng gabi.
Nang makatanggap ng reklamo ang pulisya sa dalawang biktima ay agad na ito ay rumesponde at inaresto ang dalawang suspek na kung saan ay narekober ang isang airsoft imitation firearm sa bahay ni Jonel.
Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya ng pulisya at inihahanda ang kaukulang kaso.
- Latest















