^

Probinsiya

Utol ng Dominguez bros, 3 pa tiklo sa pot session

- Ni Boy Cruz -

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines - Apat na kalalakihan kabilang ang nakababatang utol ni Raymond Dominguez na nasintensiyahan dahil sa kasong carnapping ang naaresto ng pulisya matapos maaktuhan sa pot session sa bahagi ng Barangay San Agustin sa Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr, Bulacan PNP director, ang mga naarestong suspek na sina Ryan Dominguez, 20, ng Brgy. Iba O’ Esta, Calumpit; Mark Mario Lacambacal, 21, ng Mariano St., Pateros City, Manila; James Jimenez, 37, ng Novaliches, Quezon City; at si Roy Blanco ng F.B. De Jesus Subdivision, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay  P/Supt. David Poklay, ang mga suspek ay inireklamo ng ilang residente na nagsasagawa ng pot session kung saan nakaparada ang tatlong sasakyan sa loob ng compound.

Nasamsam sa mga suspek ang 2 sachet ng shabu, mga drug paraphernalias, d2-baby Armalite rifle, 2 cal..45 pistol, mga bala, 2-granada,1 Nissan Navara Pick-up (CSJ-33), To­yota Innova (ZCJ-171) at isang Subaru Impreza (ZNX-628).

Napag-alaman din na inalok pa ng P3 milyon ang mga operatiba ng pulisya para makalaya.

Mariin namang itinang­gi ng mga suspek ang ­aku­­sa­syon at sinabi pa na planted lamang ang mga ebidensya sa kanila.

BARANGAY SAN AGUSTIN

BULACAN

DAVID POKLAY

DE JESUS SUBDIVISION

FERNANDO MENDEZ JR

IBA O

JAMES JIMENEZ

MALOLOS CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with