^

Probinsiya

Kagawad todas sa foreman

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines – Napatay ang 52-anyos na barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng construction foreman na sinasabing hindi nito nakuha ang suweldo sa loob ng dalawang araw sa Barangay Payapa sa bayan ng Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng tanghali. Apat na tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Jose Gomez San Diego, 52, timekeeper sa irrigation canal habang tinamaan ng ligaw na bala sa balikat si Ernesto Adan. Samantala,tugis na ng pulisya ang suspek na si Rey Geron, construction foreman ng nasabi ring lugar. Ayon kay PO2 Nestor dela Pena, kinumpronta ng suspek ang biktima kaugnay sa dalawang araw na ipinasok nito na hindi nakasama sa nakalipas na payroll. Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay niratrat ng suspek ang biktima kung saan tinamaan naman ng ligaw na bala ang naglilinis na si Adan.

vuukle comment

ADAN

APAT

AYON

BARANGAY PAYAPA

ERNESTO ADAN

JOSE GOMEZ SAN DIEGO

NAPATAY

PENA

QUEZON

REY GERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with