^

Probinsiya

Pinugutan sa harap ng 2 anak

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sumalubong sa 44-anyos na magsasaka matapos pagbabarilin ay pinugutan pa ng nakaalitang kabaro sa harap ng kanyang dalawang anak sa Barangay Batuila sa bayan ng Baleno, Masbate kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Alex Cos habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Erwin Bagalihog na sinasabing pugante sa kasong arson noong 1998 sa bayan ng Aroroy. Base sa police report, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang dalawang anak patungo sa kanilang lolo nang makasalubong ang suspek. Dito na niratrat bago pinugutan ang biktima kung saan pinaniniwalaang alitan sa lupain ang isa sa motibo sa pamamaslang.

ALBAY ALEX COS ANAK AROROY BALENO BARANGAY BATUILA DITO ERWIN BAGALIHOG KINILALA MASBATE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with