^

Probinsiya

Mag-asawa, 2 pa minasaker sa inuman

- Nina Raymund Catindig at Victor Martin -

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Regalong kamatayan ang isinalubong sa apat-katao kabilang ang mag-asawa makaraang pagtatagain ng kanilang kapitbahay na magsasaka na sinasabing sinaniban ng masamang espiritu sa Barangay Pata sa bayan ng Tuao, Caga­yan kamakalawa.

Halos magkaputul-tuol ang katawan ng mga biktimang sina Lino Pascual, Mamerto Dingil at ang mag-asawang Angelito at Martina Serrano na pawang nakatira sa nabanggit na barangay.

Samantala, sumuko na­man sa pulisya ang sus­pek na si Dionisio Pen­tecostes, 49.

Base sa police report, makikisalo sana ang suspek sa mga biktimang nag-iinuman nang bigla itong umatras sa pag-aakalang pagtutulungan siyang papatayin.

Kaagad na umuwi ang suspek mula sa nagtatawanang mga biktima na sinasabing mga lango na sa alak.

Pagbalik ng suspek ay isa-isang pinagtataga ang mga biktima na animo’y gumagapas ng talahib.

Duguan at nangingisay pa ang iba sa mga biktima kung saan mabilis naman sumuko sa pulisya ang suspek na sinasabing nawala sa sariling bait habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY PATA

CAGA

DIONISIO PEN

DUGUAN

KAAGAD

LINO PASCUAL

MAMERTO DINGIL

MARTINA SERRANO

PAGBALIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with