^

Probinsiya

Dalaga ni-rape slay ng ex-bf

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay ,Philippines  – Pinatay sa sakal ang isang 28-anyos na dalaga na sinasabing hinalay pa ng kanyang dating nobyo sa Barangay Cruzada sa Legazpi City, Albay kahapon ng umaga. Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan sa may 15 metro ang layo mula sa kanilang bahay sa nasabing barangay ang bangkay ni Maria Sarah Aragon. Nasakote naman ang suspek na si Vincent Natividad, 38, kapwa miyembro ng Tau Gamma Phil Fraternity at nakatira sa Barangay Taysan. Nabatid sa mga kaanak ng biktima na 10 taong magkasintahan ang dalawa bago kumalas ang biktima sa hindi nabatid na dahilan. Sa ulat ng hepe ng pulisya na si P/Supt. Oscar Regala, huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa suspek na sinasabing sinusuyo ang dalaga para muling magkabalikan. May teorya ang pulisya na hinalay muna ang biktima dahil nakababa ang pantalon at panty nito saka pinatay sa sakal at inabandona sa loob ng Central City Subd.

vuukle comment

ALBAY

BANDANG

BARANGAY CRUZADA

BARANGAY TAYSAN

CENTRAL CITY SUBD

LEGAZPI CITY

MARIA SARAH ARAGON

OSCAR REGALA

TAU GAMMA PHIL FRATERNITY

VINCENT NATIVIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with