2 dedo sa riles
CAMARINES NORTE ,Philippines – Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi makaraang bumangga ang pampasaherong skates sa riles ng tren sa Pamplona, Camarines Sur kamakalawa.
Agad na binawian ng buhay ang 6 anyos na si Christian Anaceto sa bumanggang pampasaherong skates na minamaneho ni Jesse Ramos habang si Bernado Samar, 64 anyos ay minalas na mabagok ang ulo na kanyang ikinamatay matapos na tumilapon sa isa pang skates. Inaalam pa ang pangalan ng dalawang nasugatan sa nasabing insidente.
Ayon sa Philippine National Railways (PNR) – Naga, matagal ng pinaalalahanan ang mga operator ng skates sa riles ng tren na bawal gamitin ang riles sa kanilang paghahanapbuhay dahilan sa lubhang mapanganib para sa mga kinauukulan. Nilinaw ng PNR na wala silang pananagutan sa nasabing pangyayari habang nahaharap naman sa kasong multiple homicide ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa Pamplona Police Station.
- Latest
- Trending




















