^

Probinsiya

Road mishap: 1 patay, 7 pa sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang driver  habang pito pa ang nasugatan makaraang aksidenteng bumangga sa isang malaking punongkahoy sa tabi ng highway ang sinasakyan ng mga itong truck sa Baguio City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Alfred Langpawen, 28 anyos, driver ng Isuzu Ford truck (AYF-384), idineklarang dead on arrival sa Baguio City General Hospital and Medical Center.

Ang mga nasugatang biktima ay nakilala namang sina Allan Bacayan, Renato Lawingan, Victor at Joker Cawideng, Cyril Nacatab, Jhon Kayachen at ang may-ari ng behikulo na si Cyril Fomeg-as; pawang nilalapatan na ng lunas sa nasabing pagamutan.

Sa ulat ng Baguio City Police, bandang alas-11 ng gabi kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang truck na minamaneho ni Langpawen ng mawalan ito ng kontrol sa manibela at sumalpok sa isang pine tree na nasa tabi ng highway na sa kamalasan ay sinuyod pa ang isang nakaparadang KIA pride (UBG-421) sa  lugar.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na nasa impluwensya ng alak si Langpawen ng magmaneho ito na humantong sa malagim na trahedya.

vuukle comment

ALFRED LANGPAWEN

ALLAN BACAYAN

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BAGUIO CITY POLICE

CYRIL FOMEG

CYRIL NACATAB

ISUZU FORD

JHON KAYACHEN

JOKER CAWIDENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with