Disc jockey kinuyog, tinodas
- Joy Cantos () - September 4, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang disc jockey sa night club matapos pagtulungang bugbugin, pagsasaksakin at pagbabarilin ng grupo ng kalalakihan sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.

Idineklarang patay sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang biktimang si Ruben de la Rosa, 18, ng Crossing Punta Taytay sa Barangay Sum-ag sa nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ng Bacolod City PNP, naganap ang krimen sa bisinidad ng Goldenfields Commercial Complex dakong alas- -3:30 ng madaling-araw.

Lumilitaw na nakatambay sa nabanggit na lugar ang biktima nang sugurin ng mga armadong kalalakihan at pagtulungang bugbugin na hindi pa nakuntento ay pinagsasaksak at pinagbabaril pa.

Nagawa pang maisugod sa nabanggit na ospital ang biktima subalit namatay din.

May teorya ang pulisya na love-triangle ang isa sa motibo ng krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon.

BACOLOD CITY BARANGAY SUM CORAZON LOCSIN MONTELIBANO MEMORIAL REGIONAL HOSPITAL CROSSING PUNTA TAYTAY GOLDENFIELDS COMMERCIAL COMPLEX IDINEKLARANG LUMILITAW NAGAWA NEGROS OCCIDENTAL RUBEN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with