^

Probinsiya

2 menor-de-edad ni-rape

- Ni Tony Sandoval -

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines – Dalawang menor-de-edad ang iniulat na napariwara ang kinabukasan matapos halayin sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon, kamakalawa ng hapon.

Isa sa ni-rape ay ang 15-anyos na high school student na sinasabing hinarang ng suspek habang pauwi mula sa eskuwela­han sa Barangay Wasay Ibaba sa bayan ng Buenavista. Nasakote naman ng pulisya ang suspek na si Jovito Ferna, 38.

Samantala, dahil sa prutas ay maaga namang napariwara ang kinabukasan ng 2-anyos na nene matapos gahasain ng suspek na si Saldy Juanillo, 43, magsasaka sa bayan ng Plaridel.

Ayon kay PO2 Michelle Ranuda ng Womens and Children Desk Section, dakong alas-4 ng hapon nang bigyan ng prutas ng suspek ang biktimang naglalaro sa labas ng kanilang bahay.

Lumilitaw na dinala ang biktima sa bakanteng bahay saka isinagawa ng suspek ang maitim na balak.

Narinig naman ng ina ang pag-iyak ng biktima at nang hanapin ay nakita ang suspek na nakakubabaw sa bata.

vuukle comment

AYON

BARANGAY WASAY IBABA

BUENAVISTA

DALAWANG

ISA

JOVITO FERNA

LUCENA CITY

MICHELLE RANUDA

SALDY JUANILLO

WOMENS AND CHILDREN DESK SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with