^

Probinsiya

Mangingisda ginilitan

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang 37-an­yos na mangingisda matapos gilitan ng kapwa mangingisda dahil sa pagtangging bumili ng alak kamakalawa ng hapon sa Barangay Bonifacio sa bayan ng Burdeos, Quezon.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Eddie Salgo ng Sitio Pagitna sa Barangay Rizal habang boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Wilfredo Morada, 50.

Ayon kay PO1 Joemarie Raya, pauwi na ang suspek kasama ang dalawang anak nang mapadaan ito sa grupo ng biktima na nag-iinuman.

Inalok ng biktima ang suspek na uminom at nang maubos na ang lambanog ay inutusan ang huli na bumili subalit tumanggi ito.

Dito na napikon ang biktima hanggang sa suntukin nito ang suspek kaya naman ginilitan siya.

vuukle comment

AYON

BARANGAY BONIFACIO

BARANGAY RIZAL

BURDEOS

DITO

EDDIE SALGO

INALOK

JOEMARIE RAYA

SITIO PAGITNA

WILFREDO MORADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with