^

Police Metro

Gatchalian, pinapakasuhan ng kriminal ang mga nam-bully kay Josh Aquino

Malou Escudero - Pang-masa
Gatchalian, pinapakasuhan ng kriminal ang mga nam-bully kay Josh Aquino
Kuha ng mag-inang sina Joshua (kaliwa) at Kris (kanan) Aquino
Mula sa Instagram account ni Kris Aquino

MANILA, Philippines — “Imbestigahan at kasuhan ang mga nam-bully sa anak ni Kris Aquino na si Josh.”

Ito ang naging panawagan si Senate President Sherwin Gatchalian nitong Biyernes, Oktubre 16, sa mga ahensiya ng gobyerno at partikular na hinimok ang National Council on Disability Affairs (NCDA), isang ahensiyang nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na pag-aralan kung anong mga posibleng paglabag ang maaaring isampa laban sa mga host ng podcast na nagbitaw ng mapanlait na mga pahayag laban sa isang taong may kapansanan (PWD).

“I urge the NCDA to coordinate with the appropriate government agencies to probe this incident, determine whether any provisions of the Magna Carta for Persons with Disability (Republic Act 7277, as amended by RA 9442) were violated, and pursue appropriate action to hold to account parties responsible for the incident,” aniya.

Nauna nang binatikos ng ilang senador ang mga content creator at host ng ngayo’y tinigil nang podcast na “Machong Chismisan” matapos umani ng batikos mula sa mga civil society group at netizens dahil sa mapanlait na mga pahayag laban sa panganay na anak ni Kris.

Nanawagan din ang mga senador para sa mahigpit na pagpapatupad ng batas na nagpoprotekta sa mga PWD laban sa diskriminasyon, pangungutya sa publiko at panlalait, partikular ang Republic Act 9442.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with