^

Probinsiya

Mag-utol na holdaper todas sa shootout

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines  – Napaslang ang mag-utol na lalaki na sinasabing notoryus na holdaper matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa panulukan ng Gabaldon at Del Pilar Street sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Roberto Aliggayu, Nueva Ecija PNP director, ang mga napatay na sina Ding Cabanlit, 43, at Mark Cabanlit, 38, kapwa nakatira sa Barangay M.S. Garcia sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na lulan ng motorsiklo (RH2120) ang mag-utol nang parahin ng mga pulis sa pamumuno ni P/Supt. Ricardo Villanueva sa checkpoint.

Imbes na huminto sa PNP checkpoint ay pinaputukan ang mga nagbabantay subalit gumanti naman ng putok ang mga pulis kung saan kapwa duguang bumulagta ang mag-utol.

Narekober ng mga ope­ratiba ng SOCO ang 13 basyo ng bala, cal. 38 revolver, mga pera at iba’t ibang identification card.

Ayon sa kaanak na kumilala sa mag-utol, hindi masamang-loob ang da­lawa kung saan si Ding Cabanlit ay nagkakawang-gawa sa trapiko sa kanilang barangay.

vuukle comment

BARANGAY M

CABANATUAN CITY

DEL PILAR STREET

DING CABANLIT

MARK CABANLIT

NUEVA ECIJA

RICARDO VILLANUEVA

ROBERTO ALIGGAYU

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with