^

Probinsiya

Laguna massacre: 3 katao kinatay

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna ,Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-inang US citizens at kasambahay nila makaraang gilitan ay pinagtulu­ngan pang pagsasaksakin ng mga 'di-kilalang lalaki sa naganap na masaker sa San Pablo City, Laguna kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Gilberto Dela Cruz, Laguna PNP director ang mga napaslang na sina Julius Fronda, 51, retired US Marines; Zenaida Fronda, 74, biyuda, kapwa US Citizens at ang kasambahay na si Lalyn Olgena, 17, pawang nakatira sa #284 Unson Street, Barangay II-C sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Insp. Benjamin Tapeño, chief inves­tigator ng San Pablo PNP, nadiskubre ang krimen matapos mapansin ng bayaw ng matandang Fronda na si Ceferino Abril na hindi lumalabas ng bahay ang mag-ina noong Linggo.

Kaagad naman tinungo ng mga pulis at ilang opis­yal ng barangay kasama si Abril ang bahay ng pamilya Fronda at tumambad sa kanila ang magkakapatong na bangkay ng tatlo sa loob ng kuwarto bandang alas-5:00 ng hapon.

Pawang may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nilaslas pa ang mga leeg, ayon sa mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

 “Posibleng kilala ng tatlo ang mga suspek kaya sila pinatay at wala kaming nakitang forcible entry sa kanilang bahay,” pahayag ni Tapeño

May teorya ang mga imbestigador ng pulisya na paghihiganti at pagnanakaw ang motibo dahil sa pagkawala ng P19,000 cash at mga dolyar mula sa bahay ng Fronda.

Tumanggi namang pa­ngalanan ng ang pagkaka­kilanlan ng mga suspek na sinasabing nagtatago lamang sa karatig pook habang nagsasagawa nang follow-up operation ang pulisya.

vuukle comment

BENJAMIN TAPE

CEFERINO ABRIL

FRONDA

GILBERTO DELA CRUZ

JULIUS FRONDA

LALYN OLGENA

SAN PABLO

SAN PABLO CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with