^

Probinsiya

Barko nasunog sa Coron: 5 patay, 86 missing!

Mer Layson, Joy Cantos, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Barko nasunog sa Coron: 5 patay, 86 missing!
Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nabatid na dakong alas-6:45 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang Coast Guard Sub-Station Turda, iba pang barko at Coron Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), hinggil sa nasusunog barko.
PCG photo

MANILA, Philippines — Lima katao ang nasawi habang 86 pa ang nawawala nang tupukin ng apoy ang isang passenger vessel na MV June Aster habang naglalayag sa karagatang sakop ng pamosong tourist spot sa Coron, Palawan, nitong Miyerkules ng gabi.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nabatid na dakong alas-6:45 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang Coast Guard Sub-Station Turda, iba pang barko at Coron Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), hinggil sa nasusunog barko.

Ayon sa PCG, ang passenger vessel na MV June Aster, na ino-operate ng Atienza Interisland Shipping Line, ay may lulang 134 katao na kinabibilangan ng 117 pasahero at 17 tripulante nang maganap ang hindi inaasahang insidente.

Ang barko ay ga­ling sa Port of Manila at nagla­yag patungong Co­ron, Palawan nang biglang sumiklab ang apoy na mabilis na kumalat sa buong ferry. Nag-panic ang mga pasahero na karamihan ay mga turista na magbabakasyon lamang sa dinarayong lugar sa Palawan.

Matapos na matanggap ang distress call, ang iba pang barko ng Atienza Interisland Shipping Lines na nakadaong sa Port of Coron ay tumulong sa  paglilikas sa iba pang mga pasahero at crew.

Idineploy ng Coast Guard District Palawan ang MRRV-4406 na umalis sa San Fernando, El Nido dakong alas-7:30 ng gabi patungong Coron para tumulong sa emergency response.

Ayon sa Coron MDRRMO, gamit ang kanilang mga bangka, tumutulong na rin sa search and rescue operations ang ilang kapamilya ng mga nawawalang pasahero ng barko kabilang dito ang kaanak ng pasaherong si Eden Tibay at iba pa. 

Sa huling ulat ni PCG Spokesperson Commodore Noemi Cayabyab, nasa 43 katao na rin ang nasasagip ng mga res­cuers na kinabibilangan ng 39 pasahero at apat na tripulante.

Ani Cayabyab, base sa pahayag ng isa sa mga tripulanteng nasagip, nagmula ang sunog sa cargo hold ng barko. Maliit lamang umano ang apoy noong una pero naging mabilis ang paglaki nito kaya nahirapan silang apulain.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with