^

Probinsiya

PMA Air Warfare chief, patay sa ambush

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang pinuno ng Philippine Military Aca­demy (PMA) Air Warfare Department matapos na pagbabarilin ng nag-iisang gunman habang lulan ng behikulo malapit sa tahanan nito sa naganap na ambush sa Brgy. Kias, Baguio City nitong Huwebes ng hapon.

 Kinilala ang biktima na si Air Force. Lt. Col. Ferdinand Macasaet, 43-anyos, instructor sa PMA at Chief ng Air  Warfare Department ng nasabing institusyon ng militar at miyembro ng PMA Class 1989.

 Batay sa imbestigas­yon, sinabi ni Baguio City Police Director Sr. Supt. David Lacdan,  pasado alas-5 ng hapon kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kaniyang Mitsubishi Montero (NHO-513) na pa­uwi na sa kanilang tahanan sa loob ng Pinesville Subdivision ng mangyari ang ambush.

Ayon kay Lacdan, biglang sumulpot ang gunman na nakasuot ng ski mask na kulay itim na tshirt at saka pinagbabaril ito. Ang nasabing subdivision ay nasa labas lamang ng PMA.

Idineklarang dead-on-arrival dakong alas-6 ng gabi sa PMA Station Hospital ang biktima matapos na magtamo ng mga tama ng bala ng cal. 40 MM pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagluluksa naman ang PMA sa pagpanaw ni Macasaet at umaasang mabibigyang hustisya ang pagkamatay nito.

 “Lt. Macasaet is a fine officer, very intelligent and jolly", ani PMA Dean of Ca­det Corps Col. Max Caro na sinabi pang isang mabu­ting opisyal ang biktima at isang malaking kawalan sa akadem­ya ang pagkamatay nito.

Kaugnay nito, bumuo na ng Special Task Group ang Baguio City Police upang imbestigahan ang motibo ng krimen.

Samantalang kabilang naman sa anggulong iniimbestigahan ng mga awtoridad ayon pa sa pulisya ay ‘business rivalry' dahilan marami umanong negosyo ang opisyal at posibleng may mga taong naiinggit dito.

vuukle comment

AIR FORCE

AIR WARFARE DEPARTMENT

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY POLICE

BAGUIO CITY POLICE DIRECTOR SR. SUPT

CORPS COL

DAVID LACDAN

DEAN OF CA

FERDINAND MACASAET

MACASAET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with