^

Probinsiya

Bagets na carnapper timbog

- Ni Boy Cruz -

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang 14-anyos na lalaki matapos itong habulin ng mga awtoridad makaraang karnapin nito ang isang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa barangay Wakas ng bayang ito.

Kaagad na ipinasa ni Supt. Ronald De Jesus sa pa­mamahala ng DSWD ang naarestong bagets na re­si­dente ng Brgy. Malis, Guiguinto habang nakatakas na­man ang kasamahan nito na isa ding menor-de-edad din.

Ang bagets ang itinuturong kumarnap sa motorsiklo na pag-aari ng biktimang si Ronaldo Zapra 35, ng Barangay Sulucan, Bocaue.

Nagsumbong ang biktima sa pulisya na nagsa­sagawa ng checkpoint bandang alas-3:10 ng madaling-araw dahil nakarnap ang kanyang motorsiklo haggang sa matiyempuhan ang suspek na minamaneho ang ninakaw na motorsiklo hanggang sa habulin ito ng pulisya at makorner.

Nahulihan din ang suspek na bagets ng isang air­soft gun na bawal ring dalhin dahil sa umiiral na gun ban.

vuukle comment

ARESTADO

BARANGAY SULUCAN

BOCAUE

BRGY

BULACAN

GUIGUINTO

KAAGAD

NAGSUMBONG

RONALD DE JESUS

RONALDO ZAPRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with