^

Probinsiya

2 pulis grinanada

-

MANILA, Philippines - Dalawang alagad ng batas na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa isang wanted person ang nasu­gatan makaraang su­mabog ang granada na ini­hagis ng dalawang menor-de-edad na lalaki sa Purok Slaughter, Barangay Ti­nampaan, Cadiz City no­ong Father’s Day.

Isinugod naman sa os­pital ang mga sugatang sina SPO3 Richard Teo­logo at SPO1 Jeffrey Conti­vida na tinamaan ng shrapnel mula sa sumabog na granada.

Lumilitaw na aarestuhin sana ng dalawang pulis ang suspek na si Raymund “No­no” Recla, 48, kaugnay sa kasong attempted murder kung saan may warrant of arrest na inisyu ni Judge Renato Munez ng Cadiz City Regional Trial Court Branch 60 noong Marso 22, 2010.

Gayon pa man, habang isinisilbi ang warrant of arrest ay hinagisan ng granada ang dalawang pulis ng mga anak ng suspect na sina Reymund Recla, 17; at Roland Recla,15.

Nabatid na hindi maatim ng dalawang anak ng sus­pek na pinoposasan ang kanilang ama sa ka­sag­sagan ng paggunita sa Father’s Day.

Nagawa namang ma­katakas ng dalawang anak ng suspek habang na­aresto naman ang kanilang ama.

vuukle comment

BARANGAY TI

CADIZ CITY

CADIZ CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

JEFFREY CONTI

JUDGE RENATO MUNEZ

PUROK SLAUGHTER

REYMUND RECLA

RICHARD TEO

ROLAND RECLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with