^

Probinsiya

2 bagitong pulis pararangalan

- Ni Tony San­doval -

LUCENA CITY, Que­zon, Philippines — Nakatakdang para­ngalan ng Quezon Police Provincial Office ang da­lawang bagi­tong pulis-Lucena na sina­sabing tu­­manggi sa iniaalok na ma­laking halaga ng isang mi­yembro ng Budol-Budol Gang para makalaya mata­pos ares­tuhin at isinama sa kaniyang tatlong nauna nang naaresto, kama­kalawa.

Ayon kay P/Supt. Pas­cual Munoz, hepe ng pulisya sa Lucena City, isang ma­laking accomplishment na maitu­turing ang ginawa nina PO1 Ro­land Roxas at PO1 Jirald Jinie Simeon at mag­lalagay muli sa mataas na paningin ng pulisya.

Nabatid na nilapitan ang da­lawang pulis ng isang mi­yembro ng gang na si Re­becca dela Pena kaugnay sa pagkakaaresto sa tat­long suspek na sina Anielyn Roger, Lina Fajarda at Ruel de Castro.

Inalok ng suspek ang dala­wang pulis na bibigyan ng tig-P10,000 kapalit ng kalayaan ng tatlong kasa­ma­­han niya sa gang subalit tumanggi ang mga pulis at sa halip ay di­nakip si de la Pena at isinama sa selda ng tatlo.

vuukle comment

ANIELYN ROGER

AYON

BUDOL-BUDOL GANG

INALOK

JIRALD JINIE SIMEON

LINA FAJARDA

LUCENA

LUCENA CITY

PENA

QUEZON POLICE PROVINCIAL OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with