^

Probinsiya

4 karnaper arestado

-

BULACAN, Philippines – Apat na kalalakihan na pinaniniwa­laang sangkot sa serye ng nakawan ng motorsiklo ang bumagsak sa kamay ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na ope­ras­yon kahapon sa bayan ng Baliwag, Bulacan.

Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Jeffrey Valerio, 21, ng Brgy. Sampaloc, San Rafael; Erwin Teves, 18; Niño Ma­tic, 28, kapwa naninirahan sa Brgy. Sabang, Baliwag, Bulacan; at si Alexander Odicta, 25, ng Brgy. Tam­bubong, San Rafael, Bula­can.

Naunang inaresto sina Valerio at Teves na mag­kaangkas sa nakaw na mo­torsiklo (RQ 7366) sa iti­nayong PNP checkpoint sa Barangay Tibag sa ba­yan ng Baliwag.

Sa follow-up operation, nasakote naman sina Matic at Odicta kung saan na­kumpiskahan ng dalawang karnap na motorsiklo na pa­rehong plaka na RQ 7366.

Ayon sa ulat, habang inimbestigahan ang mga suspek sa himpilan ng pu­lisya ay dumating ang ama ni Alexander Odicta na sinasabing aareglo sa kaso subalit inaresto din ito dahil sa pagdadala ng baril na walang kaukulang papeles. (Boy Cruz at Dino Balabo)

vuukle comment

ALEXANDER ODICTA

BALIWAG

BARANGAY TIBAG

BOY CRUZ

BRGY

BULACAN

DINO BALABO

ERWIN TEVES

JEFFREY VALERIO

SAN RAFAEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with