^

Probinsiya

Pulis sa rape-video sinagip ng wedding bells

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Matapos ang kontro­bersyal na rape-video, si­nagip ng wedding bells sa pagkakadismis sa ser­bisyo ang  dalawang security escort ng isang he­neral na inireklamo ng rape ng babaeng police applicant sa General Santos City.

Ito’y matapos na lu­magda sa affidavit ang nagreklamong si Sheena Verona, 22, ng  Matalam, North Cotabato na inia­atras na ang kaso laban sa dalawang escort  ni P/Chief Supt Fidel A. Cimatu, Jr., PNP-PRO 12 director kung saan ay isa rito ay nobyo pala nito.

Sinasabing nagbago ng desisyon  si Verona nang alukin siya ng kasal ni  PO2 Paul Untal kaya ini­urong na ang kaso laban sa naturang pulis at sa kasamahan nitong si PO1 John Ripdos.

Ayon sa charge sheet, inakusahan ni Verona na ni-rape siya ni Untal sa residential compound ni Cimatu sa  Camp Lira sa Gen. Santos City noong  Mayo 20 habang naki­himas naman si Ripdos sa kaniyang alindog.

Ang pagbawi ng rek­lamo ay nakasaad sa affidavit of withdrawal nang ideklara ng dalawa na sila ay magnobyo at bunga nito ay nakalibre sa pagkakakulong sina Untal at Ripdos.

“I wish to categorically state that all the acts that transpired between me and PO1 Untal were con­sesual and of our own private desires. Everyone commits indiscretions at one time or another,” ayon pa sa affidavit ni Verona.

Gayon pa man, bunga ng insidente ay sinus­pinde, pinadisarmahan, tinanggalan ng tsapa at ipinakalaboso ni Cimatu ang dalawa saka kinasu­han ng administratibo at kriminal.

Nagsumite rin ng 30-araw na leave si Cimatu pero sanhi ng command responsibility ay pinata­wan ng administrative relief ni PNP chief Jesus Verzosa.

“The PNP has nothing to do with their personal conduct. It’s up to the courts. My office is bound to pursue such procedure,”  ayon naman kay Ci­matu bilang reaksyon.

Si Untal ay  kasalu­ku­yang nakakulong habang si Ripdos ay nakalaya matapos maglagak ng P12,000 piyansa.


vuukle comment

CAMP LIRA

CHIEF SUPT FIDEL A

CIMATU

GENERAL SANTOS CITY

JESUS VERZOSA

RIPDOS

SHY

UNTAL

VERONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with