^

Probinsiya

14 preso nakapuga dahil sa babae

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – May 14 na preso na may ma­bibigat na kaso ang na­katakas mula sa kanilang mga selda dahil sa isang babae sa Cotabato City Jail kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni City Jail Warden Insp. Panga Arab ang pumuga na sina Rakman Kanakan, Dalawi Nasser Lading, Kasim Muktar Us­man, Haron Salwibo Sa­mad, Tashir Nasser Labing, Umbra Rasul Piang, Jailani Kamad, Limba Agta, Ka­maong Datu Ali, Alon Sag­pa, Samson Sagpa, Faisal Dumama, Adam Ibrahim, at Datu Ali Dumagto.

Sina Kanakan, Lading, at Usman ay pawang may kasong murder at frustrated murder, ayon kay Arab. Ang ibang pugante ay nahaharap sa kasong ilegal na pagdadala ng ar­mas, pagbebenta ng bawal na gamot at panghoholdap.

Ayon kay Arab, bago ang pagpuga ng may 14 na preso, dumalaw sa bilang­guan ang isang hindi kila­lang babae.  

Sinamantala umano ito ng mga preso. Pagpasok ng babae, sabay labas ng mga preso. Inagaw ng isa sa mga preso ang armas na hawak ng isang jail guard at ginamit na pamuk­pok sa ulo ng isa pang gu­wardiya.

“Nadaig kami. Sa so­brang dami nila, hindi ki­naya ng mga guwardiya na pigilan pa ang pagpuga ng mga preso,” ayon kay Arab.

Agad na inutos ni Co­tabato City Police Director Senior Superintendent Willie Dangane ang mala­wakang pagtugis sa mga pugante.

vuukle comment

ADAM IBRAHIM

ALON SAG

CITY JAIL WARDEN INSP

CITY POLICE DIRECTOR SENIOR SUPERINTENDENT WILLIE DANGANE

COTABATO CITY JAIL

DALAWI NASSER LADING

DATU ALI

DATU ALI DUMAGTO

FAISAL DUMAMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with