^

Probinsiya

Shootout: 3 holdaper todas

-

NUEVA ECIJA –Tatlong kalalakihan na pinanini­walaang miyembro ng holdap gang ang iniulat na nasawi makaraang maki­pagbarilan sa pulisya noong Lunes ng hapon sa Ba­rangay Soledad ng ba­yan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Sa ulat na ipinarating ni P/Chief Insp. Reynaldo dela Cruz, kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, nakilala ang dalawa sa tatlong napatay na sina Rodel Hizon, 33, ng Ba­rangay Luna; at Modesto Sison ng Barangay Bar­rera, Cabanatuan City.

Base sa police report, na katanggap ng impor­mas­yon ang pulis-Sta. Rosa Po­lice kaugnay sa naganap na holdapan sa bisinidad ng Brgy. Luna kung saan ang mga suspek ay sakay ng dalawang motorsiklo na walang mga plaka. 

Tumangging huminto ng mga suspek sa silbato ng mga pulis na nakaposte sa checkpoint kaya nagkaha­bulan hanggang sa maga­nap ang shootout sa ba­hagi ng Brgy. Soledad.

Nasamsam sa pinang­yarihan ng shootout ang tatlong baril, mga bala at dalawang motorsiklo na ginamit ng tatlo. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY BAR

BRGY

CABANATUAN CITY

CHIEF INSP

CHRISTIAN RYAN STA

MODESTO SISON

NUEVA ECIJA

RICARDO MARQUEZ

RODEL HIZON

ROSA PO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with