^

Probinsiya

Dalagita ginulpi ng tiyuhin, patay

-

Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang da­lagitang 3rd year high school student makaraang patayin sa gulpi ng kan­yang tiyuhin sa bayan ng Bandalan, Davao del Sur kamakalawa ng gabi.

Putok ang ulo, nagka­pasa-pasa at malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ni Sheryl Gomez, 14, estud­yante sa Bansalan National High School.

Arestado at pormal na kinasuhan ang suspek na si Manuel Densing Jr., 32, magsasaka at residente ng Sitio Tibayan sa nabanggit na bayan.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, naganap ang krimen ma­tapos na umuwi ang sus­pek at pagalitan na naman ang biktima na nagmula sa pamamasyal kasama ang kaniyang mga barkada bandang alas-6:30 ng gabi.

Napag-alamang nakiki­tira lamang sa bahay ng tiyuhin ang biktima kung saan sa munting pagka­kamali ay gulpi-sarado ang inaabot nito sa kaniyang sadistang tiyuhin.

Nabatid na muling gi­nulpe ng suspek ang bik­tima na hindi nito nilubayan hanggang sa mawalan ng malay-tao na nabagok pa ang ulo sa bato hanggang sa tuluyang mamatay.

Sa pahayag ng mga kapitbahay ng suspek, na nagmamakaawa na ang biktima sa suspek subalit hindi ito pinakinggan at hinataw pa ng matigas na bagay sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan ang pa­mangkin kaya natuluyan. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARESTADO

BANDALAN

BANSALAN NATIONAL HIGH SCHOOL

CAMP CRAME

DAVAO

JOY CANTOS

MANUEL DENSING JR.

SHERYL GOMEZ

SHY

SITIO TIBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with