^

Probinsiya

4 trabahador na-suffocate, todas

-

BATANGAS – Apat na trabahador ng isang pig­gery farm ang iniulat na namatay makaraang ma-suffocate sa tangke ng biogas sa bayan ng Malvar, Batangas kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Insp. Ramonchito Chavez, hepe ng pulisya sa bayan ng Malvar, ang mga biktimang sina Jobert Catalan, William Flores, Richard Ma­nahan at John-John Villa, pawang trabahador ng FS Lajara Piggery Farm sa Barangay Bagong Pook.

Ayon sa police report, naglilinis si Catalan ng tangke ng biogas at pu­masok sa loob ng container para kunin ang mga kahoy na nagsisilbing braces, subalit bigla na lang nahilo at kinakapos ng hininga hanggang sa magsisigaw ito para humingi ng tulong bago nawalan ng malay-tao.

Mabilis na sumugod sina Flores, Manahan at Villa sa loob ng tangke para sana tulungan ang kasa­mahan pero maging sila ay nawalan ng malay hang­gang sa sama-sama na silang namatay sa loob ng tangke dahil sa supokas­yon. 

Nangako naman ang may-ari ng farm na si Se­verino Lajara na sasagutin nito lahat ng gastusin sa pagpapalibing at iba pang gastusin na nararapat tanggapin ng mga biktima. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY BAGONG POOK

JOBERT CATALAN

JOHN-JOHN VILLA

LAJARA PIGGERY FARM

MALVAR

RAMONCHITO CHAVEZ

RICHARD MA

SENIOR INSP

SHY

WILLIAM FLORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with