^

Probinsiya

Pagawaan ng paputok sumabog; 2 sugatan

-

BULACAN - Niyanig ng malakas na pagsabog ang bahagi ng Barangay Igulot makaraang sumabog ang pagawaan ng paputok na ikinasugat ng dalawang sibilyan sa Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Ronald De Jesus, police chief ng Bocaue PNP, ang mga biktimang sina Maribel Lopez, 30, ng Brgy. Igulot at Michael Allasis, 21, ng Brgy. Duhat.

Sa inisyal na police report, nagsimula ang pagsabog sa pinukpok na kwitis ng isang trabahador ni Robert Alba, 27.

Kasalukuyang nasa Rogaciano Mercado Momerial District Hospital, ang dalawang biktima kung saan si Lopez ay buntis ng ilang buwan.

Sa presinto ng pulisya, inamin naman ni Alba na walang li­sensya ang kanyang pagawaan ng paputok.

Ang pagsabog ay ikalawa na sa bayan ng Bocaue sa loob ng isang buwan kung saan noong Oktubre 2008 ay tatlo-katao ang nasugatan matapos sumabog ang pabrika ng paputok sa Brgy. Bunlo. (Dino Balabo)

vuukle comment

BARANGAY IGULOT

BOCAUE

BRGY

BULACAN

DINO BALABO

MARIBEL LOPEZ

MICHAEL ALLASIS

ROBERT ALBA

ROGACIANO MERCADO MOMERIAL DISTRICT HOSPITAL

RONALD DE JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with