^

Probinsiya

Pulis, 2 pa tiklo sa pagnanakaw

-

KIDAPAWAN CITY — Kalaboso ang binag­sakan ng tatlong kalalakihan kabilang ang isang alagad ng batas makaraang arestuhin ng pulisya sa kasong pagnanakaw ng mga kambing sa bahagi ng Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa.

Por­mal naman kinasuhan ang mga suspek na sina PO1 Jairo Reyes Bernan na naka-assign sa Lutayan PNP sa Sultan Kudarat; Wilson Bernan Manalindo, 37 at isang 12-anyos na batang lalaki at pawang taga-Purok Santan, Barangay Poblacion sa bayan ng Presi­dent Quirino.

Ayon sa ulat, si PO1 Bernan na anak ng ex-Comelec official sa isang bayan sa Sultan Kudarat ay sinasabing nasa likod ng pag­nanakaw ng mga alagang kambing na pag-aari ni PO2 Teody Centina na naka-assign sa 1207th Police Provincial Mobile Group noong Huwebes sa Purok Riverside, Barangay D’ Ledesma, Tacurong City.

Sa isinagawang ope­rasyon ng mga awtoridad sa pangunguna ni Pfc. Leonido Lubrido ng 38th Infantry Battalion ng Army. Naaresto ang tatlo habang sakay ng motorsiklo at narekober ang mga ninakaw na kambing. (Malu Manar)

vuukle comment

BARANGAY D

BARANGAY POBLACION

INFANTRY BATTALION

JAIRO REYES BERNAN

LEONIDO LUBRIDO

MALU MANAR

POLICE PROVINCIAL MOBILE GROUP

PUROK RIVERSIDE

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with