^

Probinsiya

Buhawi nanalasa

-

CAMP AGUINALDO – Tatlo-katao ang iniulat na nasugatan habang mara­ming kabahayan na­man ang winasak matapos na mag­sulputan ang buhawi sa lalawigan ng Nueva Ecija at Pampanga, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na tinanggap kahapon ng National Disaster Coordinating Council, nanalasa ang buhawi sa Barangay San Miguel sa Quezon at sa Barangay Mam­baraoa sa bayan na­man ng Sto. Domingo sa Nueva Ecija.

Nanalasa rin ang buhawi sa mga Barangay Tinejero, Talang at Dalayab sa bayan naman ng Candaba, Pam­panga na ikinasugat ng dalawa-katao at isang bata habang 12-pamilya naman ang nawasak ang tahanan.

Sinundan pa ng mala­lakas na pag-ulan at hangin kung saan maraming kaba­hayan ang nawasak habang nabuwal naman ang mara­ming poste ng kuryente na nagdulot ng malawakang blackout sa mga apektadong lugar.

Kinilala ang nasugatan na si Jon-jon Bitardo na tina­maan ng isang bahagi ng nawasak na bahay; Beng Chu, stay-in worker sa duck farm at isang tinukoy sa alyas Erwin, 12.

Magugunita na nanalasa rin ang buhawi sa Bulacan kamakalawa kung saan aabot sa P3 milyon ang napin­sala sa insidente. (Joy Cantos/ Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

BARANGAY MAM

BARANGAY SAN MIGUEL

BARANGAY TINEJERO

BENG CHU

JOY CANTOS

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with