^

Probinsiya

Bata ni Sen. Bong Revilla niratrat

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna —  Kasalukuyang nakikipagbuno kay kama­tayan ang dating close-in security aide ni Senator Bong Revilla makaraang ratratin ng ’di-kilalang lalaki sa panulukan ng Barangay Patindig Araw at Barangay Bayang Luma sa Imus, Cavite noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Ulysses Cruz, Imus police chief, ang biktima na si Mariano de Leon Jr., 45, alyas Spider at residente ng Park Place Vil­lage, Barangay Anabu 1 ng nasabing bayan.

Si De Leon na may-ari ng St. Marta Security Agency sa Epza, Rosario, Cavite ay naging close-in bodyguard ni Senator Bong Revilla noong siya’y gubernador pa ng Cavite at naging malapit na political supporter ng mga Revilla sa katatapos na May 14 elections.

Base sa ulat, katatapos lang ni De Leon mag-exer­cise sa Rex Gym sa Villa Celina Subdivision sa na­sabing barangay at naka­takda na sanang umuwi nang biglang sumulpot mula sa likuran nito ang isang ’di-kilalang lalaki at isinagawa ang krimen.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si de Leon na kasalukuyang nagpapaga­mot sa isang ospital sa Maynila.

Inaalam kung may ka­ugnayan sa negosyo ng bik­tima ang naganap na pama­maril. (Arnell Ozaeta/Cristina Timbang )

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY ANABU

BARANGAY BAYANG LUMA

BARANGAY PATINDIG ARAW

CAVITE

PLACE

SENATOR BONG REVILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with