^

Probinsiya

Pulis, dedo sa Christmas party

-
SAN FERNANDO CITY, La Union — Kamatayan ang sumalubong sa isang bagitong pulis na nakatalaga sa crime laboratory sa Cordillera Police Regional Office sa Baguio City makaraang malunod sa beach resort sa ginanap na Christmas party ng kanyang mga kabaro noong Linggo ng hapon sa Barangay San Francisco City, La Union. Kinilala ang biktimang si PO1 Rico Licyayo, 28, ng Kias, Baguio City. Ayon kay P/Senior Supt. Franklin Bucayu, La Union police director, nag-celebrate ng Christmas party ang grupo ng biktima sa Acapulco Beach Resort sa nabanggit na munisipalidad.

Bandang alas-2 ng hapon nang maligo sa beach ang biktima kasama ang dalawa pang kaibigang pulis. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay hinagupit ng malaking alon ang biktima kaya napadpad sa malalim na bahagi ng beach hanggang sa malunod. Narekober naman ang biktima at agad na dinala sa Ilocos Training and Regional Medical Center, subalit hindi na umabot pa ng buhay. (Jun Elias)

vuukle comment

ACAPULCO BEACH RESORT

BAGUIO CITY

BARANGAY SAN FRANCISCO CITY

CORDILLERA POLICE REGIONAL OFFICE

FRANKLIN BUCAYU

ILOCOS TRAINING AND REGIONAL MEDICAL CENTER

JUN ELIAS

LA UNION

RICO LICYAYO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with