^

Probinsiya

5-anyos ni-rape ng 61-anyos lolo sa sementeryo

-
ALABAT, Quezon – Maagang nawasak ang kinabukasan ng isang 5-anyos na batang babae matapos na pagsamantalahan ng sariling lolo sa loob ng Municipal Cemetery Brgy. 1 ng bayang ito, kamakalawa ng umaga. Pansamantalang nasa pangangalaga ng Municipal DSWD ang biktimang itinago sa pangalang Mary Jane, residente ng Brgy. 3 samantalang kinasuhan na ng statutory rape ang arestadong suspek na si Florentino Jugueta, 61 ng nasabi ring lugar. Sa salaysay ni Mary Jane kay PO1 Juliet Barreto ng Womens Desk Section, nabatid na dakong alas-9:00 ng umaga ay mag-isang naglalaro ang biktima sa labas ng kanilang bahay ng lapitan ito ng kanyang lolo at inakit na bibigyan ng kendi. Nang maibigay na umano ng suspek sa apo ang kendi ay kinarga nito ang bata at dinala sa loob ng sementeryo at doon ay isinagawa ang maitim na balak. Nadiskubre lamang kinahapunan ng araw ding iyon ang ginawang panghahalay ng suspek sa apo nang dumaing ang huli sa kanyang ina dahil sa pananakit ng kanyang kaselanan. Batay sa medical examination, positibong ginahasa ang biktima dahil sa nakitang laceration sa kaselanan nito. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BATAY

BRGY

FLORENTINO JUGUETA

JULIET BARRETO

MAAGANG

MARY JANE

MUNICIPAL CEMETERY BRGY

NADISKUBRE

TONY SANDOVAL

WOMENS DESK SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with