Tsunami, Buhawi Nanalasa Rin...: Landslide: 7-katao dedo
August 11, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Aabot sa pito-katao ang nalibing nang buhay kabilang ang isang buntis na ginang makaraang gumuho at tamaan ng malakas na buhawi ang ilang kabahayan sa Upper Konel, Sarangani, Davao del Sur na naapektuhan din ang 1,200 bahay, kamakalawa.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ng Civil Defense, pinaka-grabeng naapektuhan ay ang maliit na isla na sakop ng Sitio Tamlang, Upper Konel, Sarangani malapit sa sea border ng Indonesia kung saan anim na miyembro ng pamilya ang pinaniniwalaang natabunan.
Kabilang sa mga bangkay na narekober ay sina Conchita Dawa, 50 at apo nitong si Essay Dawa, 5, habang patuloy namang hinuhukay sina Ted, 50; Banes, 1 at ang buntis na si Gaga.
Bunga nito, ay agad namang isinailalim ni Sarangani Mayor Jerry Cawa, sa state of calamity ang nasabing lugar bunga ng trahedya .
Tsunami, buhawi sa Cebu at Tawi-Tawi
Libu-libong kabahayan na nasa baybaying dagat ang winasak ng higanteng alon sa Tawi-Tawi islands partikular sa central island ng Cebu sa nakaraang araw na nag-iwan ng 3,000 sibilyan ang walang matirhan.
"We can not determine yet as to how many are missing, but about one thousand houses were destroyed by strong winds and big waves," pahayag ni Mayor Albert Que.
Sa ulat na tinanggap kahapon ng Office of Civil Defense, dakong alas-2 ng hapon kamakalawa nang hampasin ng higanteng alon ang kabahayan sa dalawang barangay sa tabing dagat ng Bongao, Tawi-Tawi.
Sa nasabing insidente ay aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng tahanan, isang bata naman ang nasawi habang isa pa ang nawawala.
Ayon kay Tawi Tawi Gov. Sahali Sadikul, mabuti na lamang ang karamihan sa mga residente sa kanilang lugar ay mga divers dahil sa hanapbuhay ng mga itong paninisid ng perlas kaya isa lamang ang naitalang nasawi.
Sa isa pang insidente , nanalasa naman ang tidal waves sa Barangay Dumlog at Tangka sa Talisay City kung saan may 210 kabahayan ang nawasak.
Samantala, may 36 pang kabahayan ang iniulat na naapektuhan matapos hagupitin ng buhawi ang Barangay Latian, Parang, Maguindanao.
Maliban dito ay anim na barangay din na kinabibilangan ng Tabungan, Metih , Sapakan, Dapantis, Brainal at Bakat sa bayan ng Rajah Buayan, Maguindanao ang naapektuhan naman ng flashfloods.
Umaabot sa 300 pamilya mula sa bayan ng Parang at Rajah Buayan ang inilikas at ngayo ay nasa mga evacuation center. (Dagdag ulat ng AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended