^

Probinsiya

4 bank robbers sa Cainta kinilala

-
CAINTA, Rizal – Natukoy na kahapon ng pulisya ang apat sa 10 suspek na nanloob sa Philippine National Bank (PNB) sa nasabing bayan noong Hunyo na nakatangay ng P10.5 milyon cash dahil isa dito ay naging textmate ng lady guard ng bangko.

Ang mga suspek ay kinilala ni Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Cainta Police Station na sina Merlinda Flores, may mga alyas na Merlinada Flores at Samantha; Bobet Enriquez, Elpidio Cuinto at Alvin Nacor Flores alyas Alvin Reyes at Bunso.

Ayon kay Cruz, nakatakdang kasuhan ang mga suspek ng robbery.

Kinilala ni Raquel Ramos, isa sa security guard ng PNB si Merlinda na siya niyang textmate.

Ayon kay Ramos, nagtext si Merlinda sa kanya upang makipagkita nang araw na maholdap ang bangko.

Itinakda ng suspek na si Merlinda na makipagkita kay Raquel sakay ng isang asul na Starex van (WEG 522) subalit laking gulat na lamang ni Ramos nang bigla na lamang siyang tutukan ng mga armadong lalaki sabay posas sa kanya patalikod pati ang kasamahang mga security guards na sina Julius Bangug at Jerry Acla kung saan ikinulong sila sa guards quarter sa gawing likuran.

Hanggang sa mag-antay na ang mga suspek sa pagpasok ng 20 empleyado na isa-isa rin nilang itinali.

Inutusan ng isa sa mga suspek ang cashier na si Gan Villanueva at Regina Lachica para buksan ang vault at nakuha dito ang P6.8 milyon at $70,000.

Matapos ay tumakas ang mga suspek sakay ng get away vehicle na kinalaunan ay inabandona sa Karangalan Village sa Pasig City. Narekober ng pulisya sa van ang armalite rifle, .38 kalibreng baril, mga bala ng shotgun, helmet hand held radio at isang plaka na VCL 333. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALVIN NACOR FLORES

ALVIN REYES

AYON

BOBET ENRIQUEZ

CAINTA POLICE STATION

EDWIN BALASA

ELPIDIO CUINTO

GAN VILLANUEVA

MERLINDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with