^

Probinsiya

Tulak tiklo sa 10 bag ng marijuana

-
CAVITE – Isang 25-anyos na lalaki na pinaniniwalaang wanted person at notoryus na tulak ng droga ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya matapos na makumpiskahan ng 10 bag ng pinatuyong dahon ng marijuana sa bahagi ng Barangay Burol 1 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang nadakip na suspek na si Juwale "Boyet" Solaiman ng Block 15 Lot 15 sa Barangay H2 Sultan Esmael ng bayang nabanggit.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO3 Carlito Gener, ganap na alas-12 ng tanghali nang masakote ng pulisya ang suspek sa loob ng Kadiwa Market sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Lorinda Mupas ng Dasmariñas Trial Court sa kasong pagnanakaw.

Hindi naman inakala ng pulisya na may dalang 10 plastic bag ng pinatuyong dahon ng marijuana ang suspek na pinaniniwalaang dadalhin sa kanyang buyer sa hindi nabatid na lugar.

Nabatid pa sa pulisya na ang suspek ay isa sa notoryus na tulak ng droga sa kanilang barangay at karatig pook.

Napag-alamang nasa talaan din ng pulisya ang larawan ng suspek bilang snatcher ng mga celfone sa bayang nabanggit. (Cristina Timbang)

vuukle comment

BARANGAY BUROL

BOYET

CARLITO GENER

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DASMARI

JUDGE LORINDA MUPAS

KADIWA MARKET

SULTAN ESMAEL

TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with