^

Probinsiya

Ambush: Police chief, 2 pa dedo

- Nina Ed Casulla at Joy Cantos -
Tinambangan at napatay ang isang hepe ng pulisya at dalawa pa sa tropa ng gobyerno ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nagpapatrulya sa liblib na bahagi ng Barangay Bulo sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina P/Senior Inspector Eduardo Amande Jr., hepe ng pulisya sa bayan ng Matnog; Private 1st Class de la Cortez at isang Cafgu na tinukoy lamang sa apelyidong de Leon.

Dalawa naman ang naitalang nasugatan kabilang si PO2 Reynaldo Carcera at isang sundalong si Pfc. de la Cerna na ginagamot sa Sorsogon City Hospital at Matnog District Hospital.

Ayon kay Army Spokesman Major Bartolome Bacarro, tinambangan at nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde ang mga tauhan ng pulis-Matnog at tropa ng Army’s 2nd Infantry Battalion habang nagpapatrulya sa liblib na bahagi ng nabanggit na barangay kamakalawa ng gabi.

Napag-alamang nagsulputan ang iba pang rebeldeng nagtatago sa bahagi ng Bulo Elementary School at nakibahagi na rin sa bakbakan laban sa tropa ng pamahalaan.

Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan hanggang sa magsiatras ang mga rebelde bitbit ang mga nasugatan nilang kasamahan patungo sa direksyon ng kagubatan.

Patuloy namang ginagalugad ng tropa ng militar ang nagsitakas na rebelde sa kagubatang sakop ng Brgy. Bulo sa bayan ng Matnog.

vuukle comment

ARMY SPOKESMAN MAJOR BARTOLOME BACARRO

BARANGAY BULO

BULO ELEMENTARY SCHOOL

INFANTRY BATTALION

MATNOG

MATNOG DISTRICT HOSPITAL

NEW PEOPLE

REYNALDO CARCERA

SENIOR INSPECTOR EDUARDO AMANDE JR.

SORSOGON CITY HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with