^

Probinsiya

Ambush: Mag-asawang trader todas

- Ni Jonie Capalaran -
LIMAY, Bataan — Tinambangan at napatay ang mag-asawang negosyante ng mga dalawang kalalakihang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng lansangang sakop ng Sitio Pias, Barangay Duale sa bayan ng Limay, Bataan kamakalawa ng gabi.

Anim na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng mag-asawang sina Nestor, 48 at Evelyn Bicatulo, 38, na kapwa naninirahan sa bahagi ng Carfbon site sa Barangay Lamao ng bayang nabanggit.

Sa ulat ng homicide section na isinumite kay P/Sr. Supt. Hernando Zafra, Bataan provincial director, papauwi na ang mag-asawa habang magkaangkas sa motorsiklo (RF-6222) mula sa palengke ng Limay nang dikitan ng mga suspek na lulan din ng motorsiklo.

Hindi na pinaporma pa ng mga suspek ang mag-asawang trader at inupakan hanggang sa kapwa duguang bumulagta sa kahabaan ng nabanggit na highway.

May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa negosyo ng mag-asawa ang isa sa motibo ng krimen dahil walang tinangay ang mga killer na anumang gamit at halaga mula sa mga biktima.

vuukle comment

BARANGAY DUALE

BARANGAY LAMAO

CARFBON

EVELYN BICATULO

HERNANDO ZAFRA

LIMAY

MAG

SITIO PIAS

SR. SUPT

TINAMBANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with